Launching ng DITO telco, isasagawa sa Marso 8

By Chona Yu February 23, 2021 - 12:19 PM

Bubuksan na ng kompanyang DITO Telecommunity ang serbisyo sa publiko sa Marso 8.

Ang DITO ang ikatlong telco na mag-ooperate sa bansa.

Ayon kay DITO technology chief officer Adel Tamano, unang magiging commercial ang telco sa Davao at Cebu.

Sentimental aniya ang pagbubukas ng DITO sa Mindanao dahil doon nagsimula ang kompanya.

Unang pinangalanan ang kompanya na Mislatel o Mindanao Islamid Telephone subalit kalaunan ay pinalitan ng pangalan na DITO.

Ayon kay Tamano, 17na siyudad at munisipyo sa Visayas at Mindanao ang unang bibigyang serbisyo ng DITO.

Matatandaang pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng third telco players dahil sa hindi maayos na serbisyo ng dalawang nangungunang kompanya na Globe at Smart.

 

TAGS: Adel Tamano, cebu, Davao, dito, Globe, Mindanao, mislatel, Smart, telco, Adel Tamano, cebu, Davao, dito, Globe, Mindanao, mislatel, Smart, telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.