Pangulong Duterte walang sinisisi sa pagkaantala ng Covid 19 vaccine

Walang sinisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating ng bakuna kontra Covid 19 sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, nasa manufacturers kasi ang responsabilidad ng shipping ng mga bakuna.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakaukit na sa bato ang pagdating ng bakuna noong Pebrero 23 subalit hanggang ngayon ay wala pa.

Paliwanag ni Nograles, naiintindihan ng Pangulo na nasa receiving end lamang ang isang bansa na bibili ng bakuna.

Ginawa naman aniya ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para maabot ang mga kinakailangan na requirements.

Maaantala ang pagdating ng bakuna ng Sinovac dahil hindi agad nakakuha ng emergency use of authorization habang ang Pfizer naman ay walang indemnification agreement.

 

Read more...