1 patay, 2 nawawala sa Bagyong Auring

By Chona Yu February 23, 2021 - 11:31 AM

1 patay

Patay ang isa katao habang dalawang iba pa ang nawawala matapos manalasa ang bagyong Auring sa Caraga region.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) aabot sa 31,884 pamilya mula sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, at Bicol Regions ang naapektuhan ng bagyo.

Umabot naman sa 18,996 pamilya ang inilikas.

Ayon sa NDRRMC, 60 na bahat ang tuluyang nasira dahil sa bagyo habang 180 na bahay ang partially damaged.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bibisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasalanta ng bagyo sa Caraga region.

TAGS: Bagyong Auring, Caraga region, ndrrmc, patay, Bagyong Auring, Caraga region, ndrrmc, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.