Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng 50 percent insurance subsidy para sa mga commercial hog raisers o mga magbabababoy sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, isa ito sa mga napag-usapan kagabi sa ipinatawag na Cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.
Kukunin aniya ang pondo sa quick response fund ng Department of Agriculture.
Ayon kay Nograles, isa lamang ito sa mga pamamaraan ng gobyerno para mapataas ang suplay ng karneng baboy sa bansa.
Una nang tumaas ang presyo ng baboy dahil sa African Swine Fever.
READ NEXT
Health protocols mahigpit na ipapatupad sa pagselebra ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power
MOST READ
LATEST STORIES