Made in China anti-COVID 19 vaccine hindi puwede kay Pangulong Duterte
Hindi inirerekomenda sa mga senior citizen ang Sinovac, ang bakuna kontra COVID 19 na gawa at magmumula sa China.
Ito ang dahilan kayat hindi mapapabilang si Pangulong Duterte sa matuturukan ng Sinovac, kahit na ito ang unang bakuna na darating sa bansa.
Binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization ang Sinovac ngunit hindi din ito ituturok sa medical frontliners dahil ang efficacy rate nito ay 50.4 porsiyento lang.
Ito ay sa kabila na numero unong prayoridad ng gobyerno na mabakunahan ang medical at health frontliners.
“Well, obviously po dahil sinabi po ng inisyu ng FDA na hindi muna natin gagamitin sa senior, hindi po mapapasama ang Presidente sa mauuna,” sabi ni presidential spokesman Harry Roque.
Binanggit ni Roque na pagpupulunngan ng National Immunization Technical Advisory Group ang national vaccination plan at maari aniyang mabago ang plano dahil sa naging hakbang ng FDA sa Sinovac.
Aniya sa mga sundalo, base sa plano, ituturok ang 100,000 hanggang 600,000 darating na Sinovac doses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.