Ayon sa Malakanyang, kasunod ito ng mga babala ng mga eksperto na kapag ang Metro Manila ay nalagay sa MGCQ hindi mawawala ang posibilidad na lumubo ng husto ang kaso ng COVID 19.
Unang inirekomenda ng National Task Force on COVID 19 na ilagay na sa MGCQ ang Metro Manila at 13 pang lalawigan simula sa Marso para makapagbukas ang iba pang negosyo at sumigla pa ang ekonomiya.
Sa desisyon ni Pangulong Duterte, ayon sa Malakanyang, mas binigyang bigat nito ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque nais ng Punong Ehekutibo na masimulan na ang pagbabakuna sa pinakamadaling panahon para mapaluwag na ang quarantine restrictions.
Gayunpaman, wala pang linaw kung kalian masisimulan ang pagbabakuna dahil ilang beses nang naurong ang pagdating ng mga bakuna.