Pinakamataas na pagsirit ng bagong COVID 19 cases sa tatlong buwan

By Jan Escosio February 22, 2021 - 10:26 PM

Nakapagtala  ang Department of Health ng 2,288 bagong kaso ng COVD 19 sa bansa.

Ito ang pinakamataas na pagsirit ng kaso sa isang araw nitong nakalipas na mahigit tatlong buwan.

Bunga nito, nasa 563,456 na ang naitalang kaso ng nakakamatay na sakit sa bansa.

Sa naturang bilang, 28,488 ang active cases o 5.1 porsiyento.

Kasabay nito, 33 pasyente pa ang gumaling kayat umakyat sa 522,874 na ang nakarekober.

Samantala, 12,094 na ang namamatay sa sakit matapos madagdagan ng anim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.