P357B nawala sa gobyerno dahil sa oil smuggling

By Erwin Aguilon February 22, 2021 - 10:16 PM

Umabot sa P357 bilyon ang nawala sa kita ng gobyerno dahil sa pagpupuslit ng mga produuktong-petrolyo.

Ito ang nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means at ayon kay Albay Rep. Joey Salceda ito ay mula 2010 hanggang 2017.

Binanggit nito ang datos mula sa UN Conference on Trade and Development na sumirit ang oil smuggling mula 2010 hanggang 2017  bago ang fuel marking sa ilalim ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion o TRAIN Law.

Ngunit sabi pa nito, bago pa man maipatupad ang naturang batas at bagamat bumaba ang oil smuggling, tumaas pa rin ang halagang nawalang kita dahil sa siningil na bagong excise taxes sa batas sa mga produktong-petrolyo.

Sinabi pa ni Salceda na madaling maisagawa ang oil smuggling sa freeport zones dahil mas maluwag ang fuel markings dahil hindi ito sakop ng Bureau of Customs..

Posible din aniya pinagmumulaan ng smuggling ang custom bonded warehouses kayat apila lang niya sa Department of Finance na bumuo ng ‘Task Force Paihi’ para labanan ang oil smuggling.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.