National Greening Program ng DENR malaking kabiguan, pinasusuri ni Sen. Grace Poe

Bunga ng pinsalang idinulot ng mga nagdaang bagyo noong nakaraang taon sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, nais ni Senator Grace Poe na mahimay ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa palagay ng senadora, bigo ang naturang programa na maprotektahan ang mga kabundukan sa Sierra Madre at Cordillera kayat nagkaroon ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Magugunita na noong nakaraang Disyembre, libo-libong indibiduwal ang lubos na naapektuhan ng malawakang pagbaha at daan-daan milyong pisong halaga ng mga pananim ang nasayang.

Pagdidiin ni Poe bagamat madalas madaanan ng bagyo ang Cagayan at ito rin ang sumasalo ng tubig na bumababa mula sa Cagayan Valley at Cordillera, pangunahing pinagmumulan ng mga produktong-agrikultural ang rehiyon.

Sinabi ng mga lokal na opisyal at siyentipiko na ang pagkaubos ng mga puno sa Sierra Madre Mountain Range ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaha sa rehiyon.

Paliwanag ni Poe napakahalaga ng ‘reforestation’ at maari itong isagawa sa  pamamagitan ng ‘Build Back Better’ principle o ang pagpatayo ng mga matitibay na  komunidad sa pamamagitan nang pagbibigay solusyon sa mga kahinaan ng mga ito.

“Dapat hindi lamang pagtugon kundi pag-agap at pagbangon ng mas matibay,” din ni Poe.

Giit niya kung maayos lang na naipapatupad ang NGP, hindi makakalbo ang mga kagubatan at kabundukan.

Nang ilunsad ang programa noong 2011, ang layon nito ay makapagtanim ng 1.5 bilyon puno sa 1.5 milyon ektarya ng lupa sa loob ng anim na taon.

Pinalawig ito ng administrasyong-Duterte hanggang 2028 at pinaglaanan sa 2021 P4.5 trillion national budget ng P3.15 bilyon.

Ngunit himutok ni Poe, base sa ulat ng Commission on Audit, 11.8 porsiyento lang ng target na bilang ng mga puno ang naitanim mula 2010 hanggang 2015.

Aniya halos walang nagawa ang NGP para maibalik ang magandang kondisyon ng mga bundok at gubat.

“It failed to implement reforestation to the fulles and at the same time failed to stop the deforestation of many oone forested lands,” aniya.

Read more...