Ang pagtitipon na tatawaging, “Leilaya! Mga Tinig at Himig ng Paglaya” ay inorganisa ng Free Leila de Lima Movement (FLM) at Committee for the Freedom of Leila M. de Lima (Free Leila Committee).
Inaasahan ang pagtatanghal nina Agot Isidro, Ebe Dancel, Bugoy Drilon, Gary Granada, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cooky Chua, Pochoy Labog ng Dicta License, True Faith, Mae Paner, at Pinky Amador.
Makakasama din sina Sens. Frank Drilon, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan, Atty. Chel Diokno, journalist Maria Ressa, film director Joel Lamangan, at Bishop Broderick Pabillo.
Magpapadala naman ng kanyang mensahe ng pakikiisa si Vice Leni Robredo.
Mapapanood ang pagtitipon sa Facebook pages ng Free Leila Movement, Free Leila Committee at sa official Leila de Lima Facebook page simula ala-7:30 ng gabi.
Magugunita na sa pagdiriwang ng ika-61 kaarawan ni de Lima noong nakaraang Agosto 27, 70 personalidad ang nakiisa sa online community jamming na tinawag na “Leilaya! Tinig at Musika para sa Diwang Malaya.”