Ilang musikero, aktibista, at politiko makikiisa sa ‘online community jamming’ para kay Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio February 22, 2021 - 04:33 PM

Bukas, Pebrero 24, muling magkakaroon ng online community jamming bilang suporta kay Senator Leila de Lima sa paggunita ng kanyang ika-apat na taon na pagkakakulong.

Ang pagtitipon na tatawaging, “Leilaya! Mga Tinig at Himig ng Paglaya” ay inorganisa ng Free Leila de Lima Movement (FLM) at Committee for the Freedom of Leila M. de Lima (Free Leila Committee).

Inaasahan ang pagtatanghal  nina Agot Isidro, Ebe Dancel, Bugoy Drilon, Gary Granada, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cooky Chua, Pochoy Labog ng Dicta License, True Faith, Mae Paner, at Pinky Amador.

Makakasama din sina  Sens. Frank Drilon, Risa Hontiveros at  Kiko Pangilinan, Atty. Chel Diokno, journalist Maria Ressa, film director Joel Lamangan, at Bishop Broderick Pabillo.

Magpapadala naman ng kanyang mensahe ng pakikiisa si Vice Leni Robredo.

Mapapanood ang pagtitipon sa Facebook pages ng Free Leila Movement, Free Leila Committee at sa official Leila de Lima Facebook page simula ala-7:30 ng gabi.

Magugunita na sa pagdiriwang ng ika-61 kaarawan ni de Lima noong nakaraang Agosto 27, 70 personalidad ang nakiisa sa online community jamming na tinawag na “Leilaya! Tinig at Musika para sa Diwang Malaya.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.