Chinese officials ng ruling party, dawit din sa ‘Panama Papers’

 

Hindi bababa sa walong dati at kasalukuyang opisyal ng ruling party ng China ang dawit din sa pagkakaroon ng mga offshore accounts, batay sa impormasyong isiniwalat ng Internatioal Consortium of Investigative Journalists o ICIJ.

Ang mga naturang mga opisyal ayon sa nilalaman ng tinaguriang ‘Panama Papers’ ay konektado sa bayaw ni Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.

Ang mga ito ay kabilang sa Politburo Standing Committee na pinakamakapangyarihang body ng ruling party ng China.

Batay sa mga lumutang na dokumento, may-ari ng Effort Property Development na isang British Virgin Islands Company ang bayaw ni Preisdnet Xi na si Deng Jiagui.

Si Deng ay isang multimilyunaryong real estate developer na asawa ng nakatatandang kapatid ng Pangulo ng China.

Bagaman hindi iligal ang magkaroon ng koneksyon sa mga offshore companies, notoryus naman ang mga ito dahil malimit na ginagamit ang mga ito sa money laundering at pagtago ng mga ill-gotten wealth ng mga tiwaling opisyal gobyerno o korporasyon.

Batay sa report ng People’s Bank of China, umaabot sa $120 billion ang umikot sa mga offshore companies na nakulimbat ng ilangntiwaling Chinese officials noong 2011.

Bukod sa ilang opisyal ng China, dawit din ang maraming mga opisyal at mayayamang negosyante sa pagkakaroon ng mga offshore accounts sa iba’t-ibang bansa.

Sa Iceland, napilitan ang kanilang Prime Minister na magbitiw sa pwesto matapos lumutang sa mga dokumentong bahagi ng ‘Panama Papers’ na may mga kaanak itong nakikibahagi sa mga offshore companies.

Read more...