COVID 19 vaccine pre-registration ng mga kawani ng Kamara ikinasa

By Erwin Aguilon February 22, 2021 - 11:35 AM

Sinimulan na ang pagpapalista sa mga kawani ng Mababang Kapulungan na handing magpaturok ng bakuna  bilang proteksyon sa COVID 19.

Sa inilabas na memorandum ni House Secretary-General Mark Llandro Mendoza, inatasan ang Human Resources Management Service, na kuhanin ang lahat ng impormasyon ng mga kawani na nais mabakunahan.

Kasama ito sa paghahanda sa inaasahang vaccination sa susunod na buwan o sa Abril.

Nakasaad sa memorandum na anuman ang employment status ng kawani ay maari siyang magpabakuna, maging ang apat sa mga miyembro ng kanilang pamilya.

Kasama rin sa mga maaring magpabakuna ang mga kawani ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na nakatalaga sa Mababang Kapulungan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.