Oral arguments sa Anti-Terror Law sinuspinde; ilang SC justices nag-self-quarantine
Hindi matutuloy bukas, Pebrero 23, ang itinakdang ika-apat na Oral arguments sa mga petisyon na kontra sa Anti-Terrorism Law.
Sa anunsiyo ng Korte Suprema sa darating na Marso 2 na lang itutuloy ang Oral arguments.
Sinabi ni SC Clerk of Court Edgar Aricheta ilan sa mga mahistrado ang nag-self quarantine bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID 19.
Noong nakaraang Martes, Pebrero 16, sumentro pa rin ang mga argumento sa sinasabing depinisyon ng terorismo at sa mga pangamba na magagamit ito para sa ilegal na pag-aresto at pagkulong.
Inihirit din ni Rep. Edcel Lagman, isa sa mga abogado ng mga naghain ng petisyon, na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para hindi na muna maipatupad ang naturang batas.
Ilan naman sa mga inihain petisyon ang hinihiling na maibasura ang Anti-Terrorism Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.