P13.88B refund order sa Meralco panalo ng mga konsyumer – Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio February 22, 2021 - 10:41 AM

Ikinalugod ni Senator Risa Hontiveros ang kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco na ibalik sa kanilang kustomer ang P13.88 bilyon.

Ikinukunsidera ni Hontiveros na tagumpay ng mga konsyumer ang hakbang ng ERC.

“Simula pa lang ng pandemya ay nananawagan na ako sa ating power industry sector na tulungan ang ating mga konsyumer sa iba’t-ibang paraan, tulad ng extension ng no disconnection policy at reasonable installment payment scheme,”sabi ng senadora.

Pinuri din ni Hontiveros ang Meralco sa kanilang inisyatibo na maibigay ang refund, “tulad nga ng kasabihan natin mga Pilipino, “kung gusto, maraming paraan. Pero kung ayaw, maraming dahilan.” Patunay lamang ito na posible at pwede naman palang mapabilis pa ang pagpapababa sa presyo ng kuryente sa ating bansa.”

Kasabay nito, nanawagan ang senadora na busisiin ang transmission charge ng National Grid Corp., of the Phils. (NGCP) dahil kumita na ito nang higit sa ibinayad na concession fees, kasama ang payout na ibinigay sa mga shareholder.

“Pabilisin na rin sana ng ERC ang pagreview sa controversial 15% Weighted Average Cost of Capital (WACC) of NGCP na halos doble sa global standard. Reduction of our transmission charge is on a national scale. Hindi lang sana consumers ng Meralco na nasa Greater Manila Area ang makikinabang, kundi, dapat all,” dagdag panawagan pa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.