Solon: Mga eksperto, hindi politiko ang pakinggan sa pagbabalik ng ‘face-to-face classes’

By Erwin Aguilon February 22, 2021 - 09:19 AM

Pinabubuo ni Pasig City Representative Roman Romulo ang DepEd ng isang grupo ng mga dalubhasa sa agham at medisina na magpapayo ukol sa pagbabalik  ng ‘face-to-face classes.’

Ayon kay Romulo, na siyang namumuno sa House Committee on Basic Education and Culture, dapat na ipaubaya sa mga eksperto ang pagdedesisyon ng pagbabalik sa eskuwelahan ng mga mag-aaral.

Pagdidiin niya hindi dapat ang mga politiko ang masusunod sa isyu.

Hindi rin aniya maaring itulad ang sitwasyon ng Metro Manila sa ibang urban cities kung paiiralin na ang modified general community quarantine (MGCQ) sa buong bansa.

Maari, ayon pa kay Romulo, na pag-aralan kung uubra ang limitadong ‘face-to-face classes’ sa mga matutukoy na low risk areas, depende na rin sa magiging rekomendasyon ng mga eksperto.

Dagdag pa ng mambabatas dapat ay paghandaan na rin ng DepEd ang mga ilalatag na panuntunan at linawin ang mga ito sa mga magulang para magbigay kumpiyansa na magiging ligtas ang mga mag-aaral, maging ang mga guro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.