Bagyong Auring hihina, lalapag sa Eastern Samar – Leyte, ayon sa PAGASA

By Jan Escosio February 22, 2021 - 08:05 AM

PCG PHOTO

Inaasahan na sa susunod na anima hanggang 12 oras ay tatama sa kalupaan ang bagyong Auring sa Dinagat Islands – Eastern Samar – Leyte area.

Ayon sa PAGASA, maaring lalo pang humina ang bagyo bago ang pagtama nito sa kalupaan dahil sa ‘high vertical wind’ na dala ng northeast monsoon o amihan.

Kaninang alas-4 ng madaling araw huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometro silangan ng Maasin City, Southern Leyte na may lakas ng hangin na 45 kilometero kada oras at bugso na hanggang 55 kilometro kada oras.

Ito ay kumikilos west northwestward sa bilis na 15 kilometero kada oras.

Sinalanta na nito ang Surigao del Sur, partikular na ang Tandag City, Linggo ng umaga.

Base sa ulat ng DSWD – Caraga, kabuuang 3,858 pamilya na may katumbas na 14,233 indibiduwal ang apektado at hindi bababa sa 140 kabahayan ang napinsala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.