Napanatili ng Tropical Storm Auring ang kanyang lakas habang kumikilos sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Ayon sa PAGASA, dakong 1pm, huling namataan ang Bagyong Auring sa layong 320 km, Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 65 km bawat oras malapit sa gitna at pabugso na aabot sa 80km kada oras.
Sabi ng weather bureau, bukas ng umaga inaasahang nasa 75 km, Kanluran ng Tacloban City ang bagyo at sa Martes ng umaga ito ay nasa layong 145 km Kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa central at southern portions ng Eastern Samar kabilang ang Sulat, Taft, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan, Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands.
Makararanas ang mga nasabing lugar ng hangin na 61 km bawat oras hanggang sa 120 km kada oras.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay nakataas sa mga sumusunod na lugar:
Luzon
Sorsogon, Masbate including Ticao at Burias Islands, Albay, Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur partikular ang Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato at Balatan
Visayas
Northern Samar, the rest of Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, northern at central portions ng Negros Occidental (Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto), the eastern portion of Iloilo (San Rafael, Barotac Viejo, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles), eastern portion ng Capiz (Roxas City, Panitan, Ma-Ayon, Cuartero, Dumarao, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar)
Mindanao
Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon
Ang mga nabanggit na lugar ay makararanas naman ng lakas ng hangin n amula sa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras na inaasahan sa loob ng 36 na oras.