18 bagong kaso ng UK variant ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ang Department of Health ng 18 bagong kaso ng B.1.1.7 o UK variant ng COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 62 ang kaso ng UK variant sa bansa.
Bahagi ayon sa DOH ang mga nasabing nagpositibo sa 757 na sample na sumailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.
Sa bagong nakumpirma na UK variant, 13 ay mga Overseas Filipino Workers na dumating sa bansa noong January 3 hanggang January 27, 2021.
Nakarecover naman ayon sa health department ang mga ito.
Ang tatlong bagong kaso naman ng UK variant ay mula sa Cordillera Administrative Region kung saan ang dalawa ay lalaki na 12 taong gulang at konektado sa cluster mula sa Samoki, Bontoc, Mountain Province at ang isa pa ay 41-anyos na babae na mulasa La Trinidad, Benguet cluster.
Nakarevover na rin ang mga ito ayon pa sa DOH.
Inaalam pa naman ng DOH kung ang dalawa pa ay local cases o OFW.
Samantala, may naitala rin ang kagawaran ng panibagong tatlong mutation ng COVID-19 at nagmula sa Region 7 o Central Visayas dahilan upang pumelo na sa 37 ang mutation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.