Lakas ng Bagyong #AuringPH napanatili; halos hindi gumagalaw – PAGASA
Napanatili ng Tropical Storm Auring ang lakas nito habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, 10am ng Linggo, namataan ang bagyong Auring sa layong 335 km Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Halos hindi gumagalaw ang bagyo sabi ng weather bureau.
Taglay pa rin nito ang pinakamalakas na hangin na 65 km bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 80 kilometro kada oras.
Bukas ng umaga ang bagyong Auring ay inaasahang nasa bisinidad ng Jaro, Leyte habang sa layong 80 kilometro Hilaga ng Coron, Palawan naman sa Lunes ng umaga.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa central at southern portions ng Eastern Samar kabilang ang Sulat, Taft, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan, Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands.
Makararanas ang mga nasabing lugar ng hangin na 61 km bawat oras hanggang sa 120 km kada oras.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay nakataas sa mga sumusunod na lugar:
Luzon
Sorsogon, Masbate including Ticao at Burias Islands, Albay, Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur partikular ang Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato at Balatan
Visayas
Northern Samar, the rest of Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, northern at central portions ng Negros Occidental (Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto), the eastern portion of Iloilo (San Rafael, Barotac Viejo, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles), eastern portion ng Capiz (Roxas City, Panitan, Ma-Ayon, Cuartero, Dumarao, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar)
Mindanao
Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon
Ang mga nabanggit na lugar ay makararanas naman ng lakas ng hangin n amula sa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras na inaasahan sa loob ng 36 na oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.