Atake sa puso ikinamatay ng carjacker na si Raymond Dominguez

Atake sa puso ang ikinamatay ng convicted carjacker na si Raymond Dominquez sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito ayon kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag ang lumabas sa ginawang autopsy na isinagawa ng National Bureau of Investigation sa bangkay ni Dominguez.

Gayunman, sabi ng opisyal hihintayin pa rin nila ang medico-legal report.

Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Dominguez sa isang improvised kubol sa loob ng maximum security compound ng NBP noong Biyernes ng umaga.

Si Dominguez ay hinatulang guildy sa kasong carjacking ng Bulacan RTC noong taong 2012.

 

 

Read more...