Perang ibinalik ni Kim Wong sa AMLC, hindi pa maibibigay sa Bangladesh
Dismayado si Bangladeshi Ambassador John Gomes matapos lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi pa maibabalik sa kanila ang bahagi ng ninakaw na pera sa kanilang central bank na sinauli ni big time junket operator kim wong sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na $6.3 million at mahigit P38 million.
Ito ay matapos na ikunsulta ni AMLC Executive Dir. Julia Abad ang sulat na pinadala ni Kim Wong kasabay ng perang sinauli nito, dahil nakasaad dito na for safe keeping lamang ang pagbibigay nito sa kanila.
Dito nagkaroon ng argumento ang mga senador at tinanong si Kim Wong boluntaryo ba niyang binabalik ang nasabing pera, na sinang-ayunan naman niya.
Pero ayon kay Sen. Juan Ponce Enrile na kailangan idaan sa korte ang usapin bago maibalik sa Bangladeshang pera, dahil ito ang nakasaad sa batas.
Pagkatapos ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, agad nilapitan ni Ambassador Gomez si Sen. Teofisto “TG” Guingona na chairman ng komite at kinumpronta kung bakit hindi pa maibabalik sa Bangladesh ang pera.
Pumirma na aniya kasi sila ng receiving certificate kasama ng AMLC bilang patunay na isinauli na ni Wong sa kanila ang pera at na natanggap na nila ito, bagaman hindi pa ito talagang naililipat sa kanilang bangko.
Dahil dito agad na nagpatawag ng meeting si Guingona para pag-usapan at linawin ang isyung ito, na gaganapin Miyerkules, April 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.