Napanatili ng Tropical Storm Auring ang kanyang lakas habang kumikilos patungong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Kaninang 4am namataan ng PAGASA ang sentro ng Bagyong Auring sa layong 395 km ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pabugso na aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Bukas ng umaga inaasahang nasa layong 60 km Silangan Timog-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar ang bagyo at sa Martes ng umaga naman ay inaasahang nasa 30 km Kanluran Timog-Kanluran ng Romblon, Romblon.
Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 sa southern portion ng Eastern Samar kabilang ang mga bayan ng San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan), Dinagat Islands, northern portion ng Surigao del Norte kabilang ang Surigao City, Sison, Tagana-An, Placer, San Francisco) gayundin sa Siargao at Bucas Grande Islands.
Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 naman ang nakataas sa Sorsogon, mainland Masbate, Ticao Island, Northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, northern at central portions ng Negros Occidental kabilang ang Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto, eastern portion of Iloilo kabilang ang Barotac Viejo, Lemery, San Rafael, Sara, Ajuy, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles, eastern portion of Capiz kasama ang mga bayan ng Dumarao, Cuartero, Ma-Ayon, Pontevedra, Panay, President Roxas, Pilar, nalalabing bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.