1,200 pamilya sa Caraga region, inilikas dahil sa Bagyong Auring
Mahigit sa 1,200 na pamilya ang inilakas sa Caraga region dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Auring.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesman Mark Timbal na nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang mga awtoridad para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Nasa 36 na evacuation centers aniya ang mga inilikas na residente.
Tiniyak naman ni Timbal na mahigpit na ipinatutupad sa mga evacuation center ang mga health protocols na itinakda laban sa Covid 19.
Pinapayuhan ng NDRRMC ang mga manngingisda na iwasan muna ang pumalaot dahil sa malalakas na alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.