Planong uniform para sa BEI binawi ng Comelec

By Chona Yu April 05, 2016 - 08:36 PM

comelec bib2Iniurong na ng Commission on Elections ang planong pagbili ng P26.5 Million na halaga ng uniform na Bib Vest na gagamitin ng Board of Election Inspectors sa May 9 national elections.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ito ang napagkasunduan ng poll body matapos ang en banc session ngayong araw.

Tutol din aniya sina Comelec Commisioners Rowena Guanzon, Luie Guia, Arthur Lim at Christian Robert Lim sa naturang plano.

Sinabi ni Bautista na halip na Bib Vest ay magsusuot na lamang ang mga BEI members ng kanilang teaching uniform at ID.

Karamihan sa magsisilbing miyembro ng BEI ay mga public school teachers.

Aabot sa 354,000 na Bib Vest na nagkakahalaga ng P75 bawat isa ang bibilhin sana ng Comelec.

Nabatid na walang kumpanya ang nag-bid sa Bib Vest nang buksan ito sa publiko ng Comelec.

Gayunman, tuloy pa rin ang bibilhing mahigit anim na libong T-shirts para sa mga kawani ng Comelec na gagamitin sa araw ng eleksyon.

TAGS: BEI, bib vest, comelec, Election 2016, BEI, bib vest, comelec, Election 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.