Guro na nagbigay ng pabuya sa papatay kay Duterte inabswelto

By Chona Yu February 20, 2021 - 01:33 PM

 

(Photo: ACT Teachers Partylist)

Ibinasura ni Zambales acting provincial prosecutor Jose Theodoro Leonardo Santos ang kasong inciting to sedition na isinampa ng National Bureau of Investigation sa isang public school teacher dahil sa pagpo-post sa social media na magbibigay ng pabuya ng P50 milyon sa sino mang papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa desisyon ni Santos, walang probable cause ang isinampa laban kay Ronnel Mas.

Inaresto si Mass noong Mayo 2020 dahil sa post sa Twitter.

Bigo kasi ang NBI na makapagpresenta ng testigo na si Mas ang nag-tweet.

Ayon sa prosecutor, hindi napatunayan na authenticated at verified ang post sa social media.

 

TAGS: inciting to sedition, NBI, Rodrigo Duterte, ronnel mas, Zambales acting provincial prosecutor Jose Theodoro Leonardo Santos, inciting to sedition, NBI, Rodrigo Duterte, ronnel mas, Zambales acting provincial prosecutor Jose Theodoro Leonardo Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.