Tulong sa mga mahihirap, paigtingin pa–Senador Bong Go

Umaapela si Senador Bong Go sa sangay ng ehekutibo na paigtingin pa ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na Filipino dahil nagpapatuloy pa ang pandemya sa Covid 19 at tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Partikular na tinatawagan ng pansin ni Go ang Department of Labor and Employment.

“I am urging the executive to do all possible help. Sa DOLE (Department of Labor and Employment), sa kanilang TUPAD program (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers) para sa mga nawalan ng trabaho, at assistance to OFWs,” pahayag ni Go.

Kamakailan lamang, personal na hinatiran ng tulong ni Go ang mga residente sa Island Garden City sa Samal sa Davao del Norte.

Binigyan din ng ayuda ni Go ang may 300 mangingisda sa lugar.

“Ito namang market natin, tulungan po natin na makabangon muli. Itong mga fishermen natin, mga kagamitan, itulong n’yo na po lahat. Sabi ko nga, pigain n’yo na po kung ano ang natitira sa gobyerno. ‘Wag na natin ipasa ang paghihirap sa mamamayan. Kung maaari, ang gobyerno na ang pumasan ng paghihirap dahil ‘yan naman po ang trabaho ng gobyerno,” pahayag ni Go.

Pinatutulungan din ni Go sa pamahalaan ang mga nasa micro, small at medium-sized enterprises para agad na makabangon sa dagok ng pandemya.

“Kaya nakikiusap po ako sa gobyerno, kung ano po ang pwede nating mai-extend, ibigay na natin sa tao ang tulong. Kung anong ayuda ang pwede, anong trabaho ang pwede, anong maitutulong natin sa small and medium-sized enterprises natin na negosyo para makabangon sila at para makapagbigay din sila ng trabaho dito sa mga ordinaryong Pilipino,” pahayag ni Go.

 

Read more...