Kim Kardashian naghain ng divorce sa asawang si Kanye West

Matapos ang pitong taong pagsasama, naghain na ng divorce ang reality star na si Kim Kardashian sa kanyang asawang rapper na si Kanye West.

Ito ay ayon sa tagapag-salita ng Los Angeles Superior Court.

Kinumpirma rin ito ng representative ni Kardashian.

Ayon sa ulat ng celebrity website na TMZ, amicable ang nakasaad sa hiwalayan.

Nais din umano ni Kardashian na magkaroon sila ni West ng joint custody sa apat nilang anak.

Wala pa namang ibinibigay na pahayag ang kampo ni West.

Una nang naiulat na on the rocks ang relasyon ng dalawang sikat na personalidad.

 

Read more...