Purisima at Napeñas tinuluyan ng Ombudsman

By Den Macaranas April 05, 2016 - 08:28 PM

Purisima napenas
Inquirer file photo

Sinabi ng Ombudsman na may probable cause para ituloy ang mga kasong usurpation of authority at graft kina dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at dating Special Action Force Director Getulio Napeñas.

May kaugnayan ang kaso sa naganap na Mamasapano Massacre sa Brgy. Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano Maguindanao noong January 25 2015.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nilabag ni Purisima ang batas ng pangunahan niya ang Oplan Exodus samantalang suspendido siya noong mga panahong iyun.

Si Purisima ay naunang pinatawan ng 6-month preventive suspension dahil sa maanomalyang kontrata na kanyang pinasok para sa delivery service ng mga firearm licenses.

Bilang isang suspendidong opisyal hindi dapat nakialam sa anumang law enforcement operations si Purisima.

Nauna nang inamin ni Napeñas na direkta siyang nagbibigay ng ulat kay Purisima at kay Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa operasyon para madakip ang international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Abdul Bassit Usman.

Magugunitang nadiin ng husto ang nasabing mga dating police officials nang sumablay ang Oplan Exodus na nagresulta sa kamatayan ng 60 katao kabilang na ang tinaguring SAF 44.

Inabswelto naman ng Ombudsman sa kahalintulad na kaso ang ilang pang mga kinasuhang opisyal at tauhan ng PNP na kasama sa Oplan Exodus dahil sa kakapusan ng mga ebidensiya.

Kabilang dito sina Fernando Mendez Jr., Noli Taliño, Richard dela Rosa, Edgar Monsalve, Abraham Abayari, Raymund Agustin Train, Michael John Mangahis, Rey Ariño and Recaredo Marasigan.

TAGS: maguindanao, mamasapano, Napenas, ombudsman, prusima, saf 44, maguindanao, mamasapano, Napenas, ombudsman, prusima, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.