Bagyong #AuringPH, humina at naging Tropical Storm

Humina ang Bagyong Auring at naging Tropical Storm bandang 2:00 ng hapon, ayon sa PAGASA.

Batay sa severe weather bulletin bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 405 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Nagsimula nang kumilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod:
– Southern Leyte
– Southeastern portion ng Eastern Samar (Guiuan kabilang Homonhon Island)
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Davao Oriental
– Davao de Oro
– Davao del Norte
– Davao City
– Camiguin
– Western portion ng Misamis Oriental (Balingasag, Balingoan, Binuangan, Claveria, Gingoog City, Jasaan, Kinoguitan, Lagonglong, Magsaysay, Medina, Salay, Sugbongcogon, Tagoloan, Talisayan, Villanueva)
– Western portion ng Bukidnon (Cabanglasan, Impasug-ong, Lantapan, Malaybalay City, Malitbog, Manolo Fortich, Maramag, Quezon, San Fernando, Sumilao, Valencia City)

Sinabi ng PAGASA na kikilos ang bagyo pa-Kanluran sa susunod na 12 oras.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa eastern coast ng Caraga Region sa Linggo ng umaga, February 21.

Hanggang Biyernes ng gabi, magdudulot ang bagyo ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Caraga, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte.

Read more...