P50-M halaga ng smuggled na sigarilyo mula China, nakumpiska
Naharang ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Cagayan de Oro ang dalawang container vans na naglalaman ng smuggled na sigarilyo na nagmula sa China.
Dumating ang shipment sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental noong February 14, 2021.
Naka-consign ang shipment sa LMRC 418 Direct Import Export Corp.
Sa pamamagitan ng nakuhang derogatory information ukol sa shipment, inilabas ni Port of Cagayan de Oro District Collector John Simon ang Pre-Lodgement Control Order, base na rin sa rekomendasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).
Sa inspeksyon, nadiskubre ang mga smuggled na sigarilyo na may brand na Marvels at Two Moon na nagkakahalaga ng higit P50 milyon.
Unang idineklara ang shipment bilang furniture.
Samantala, naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention sa shipment at nakatakda itong sirain ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.