Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 31,745 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Biyernes ng umaga (February 19).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 895 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.
Bunsod nito, 30,017 o 94 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 833 na o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 171,476 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES