Tulong para sa mga magsasaka sa Kidapawan City dagsa na

Kidapawan rallyist
Inquirer file photo

Inalis na ang barikada sa harapan ng Methodist Center sa Kidapawan City at malaya nang nakakapasok ang mga bigas na donasyon para sa mga magsasakang apektado ng El Niño.

Kanina ay dumating ang halos ay 400 kaban ng bigas na galing kina Angel Locsin, Karla, Estrada, Bianca Gonzales, Daniel Padilla, Mariel Rodriguez, Perci Intalan at Jun Robles.

Nauna dito ay nagbigay kahapon ng 200 sako ng bigas ang magkapatid na Anne at Jasmine Curtis

Magugunitang personal na nagpunta sa Kidapawan City at nagbigay ng 200 sako ng bigas ang action star na si Robin Padilla noong Lunes.

Sa mga reports na lumabas sa media ay ipinagbawal ni North Cotabato Gov. Emmylou Mendoza ang pagpasok ng tulong para sa mga nagkilos protestang mga magsasaka dahil marami daw ang nakikisakay sa isyu.

Noong isang linggo ay tatlo ang namatay samantalang maraming iba pa ang sugatan dahil sa marahas na pagtataboy sa mga magsasakang nag-rally makaraan silang mabiktima ng matinding El Niño.

Read more...