Isang private emission testing centers, sinuspinde ng DOTr
Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang isang private emission testing centers.
Ayon sa kagawaran, sa pamamagitan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), naglabas ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) dahil sa pamemeke ng emission test results.
Pinatawan ng suspensyon ang San Roque VJ Emission Testing Center sa Upper Turno, Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Epektibo ang suspensyon sa loob ng 90 araw.
Babala ng DOTr sa mga IT Service Provider, posible silang mapatawan ng parusa kapag nagpatuloy sa pagproseso ng mga datos na galing sa mga suspendidong emission centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.