77 residente sa Maynila, gumaling sa COVID-19
Karagdagang 68 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (February 19), sumampa na sa 27,428 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 377 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 77 active cases.
Sumunod dito ang Tondo 1 na may 48 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 77 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 26,253 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 798 pa rin ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.