Escudero nanguna sa mobile survey ng SWS

By Den Macaranas April 05, 2016 - 07:46 PM

VP wannabeNanguna si Sen. Chiz Escudero sa hanay ng mga vice-presidential candidate sa ginawang Bilang Pilipino Mobile Survey ng Social Weather Stations (SWS).

Gamit ang 1,200 validated voters sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas bilag mga respondents, sila ay tinanong kung sino ang kanilang iboboto bilang Pangalawang Pangulo sa darating na eleksyon.

Si Escudero ay nakakuha ng 31 percent, si Sen. Bongbong Marcos ay mayroong 26 percent samantalang 25 percent naman kay Congw. Leni Robredo.

Sa nasabing survey ay pang-apat si Sen. Alan Cayetano na mayroong 13 percent, nakakuha ng 3 percent si Sen. Antonio Trillanes samantalang 1 percent kay Sen. Gringo Honasan.

Ipinaliwanag ni SWS President Mahar Mangahas na 63-percent lamang ang reply rate sa hanay ng kanilang mga respondents gamit ang margin of error na +/- 4 percent.

Ang SWS ay gumamit ng standard statistical procedures at face-to-face interview bago inimbitahan na sumali sa mobile survey na ginawa sa pagitan ng March 8 hanggang 11.

Sa naturang bilang, 59 percent ang nagsabing hindi na nila papalitan ang kanilang napiling kandidato, 22 percent ang nagsabing baka mabago pa ang pangalan ng kanilang ibobotong Pangalawang Pangulo, 14 percent naman ang nagsabing tiyak na magpapalit pa sila ng kandidato at 5 percent naman ang hindi tiyak ang kanilang sagot.

TAGS: Cayetano, escudero, Honasan, Marcos, Robredo, SWS, trillanes, VP, Cayetano, escudero, Honasan, Marcos, Robredo, SWS, trillanes, VP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.