Ito ang iginiit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Phils., sa katuwiran na sobra-sobra na ang pagod at sakripisyo ng mga guro sa pagpapatupad ng blended learning system.
Ayon sa grupo, kapag natuloy ang balakin, 13 buwan na tuloy-tuloy na magtatrabaho ang mga guro ng wala man lang vacation o sick leaves kumpara sa dating 10 buwan lang na pagtuturo.
Ayon pa kay ACT Sec. Gen. Raymond Basilio, bumigat pa lalo ang pasanin ng mga guro sa distant learning system, “teachers were tasked to print and collate modules and deliver them up to the students’ homes.”
Bukod pa dito aniya ang ginugugol nilang oras sa pagsagot at pagpapaliwanag sa mga magulang at guro.
“Our teachers are being treated as tireless workhorses by the DepEd while they themselves also experience the stresses brought about by the pandemic and the economic crisis to their families,” sabi pa nito.