Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 110,840,989 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 28,523,524 cases.
Sumunod na rito ang India na may 10,963,394 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 10,030,626 naman ang kaso sa Brazil habang 4,125,598 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,083,242
– France – 3,536,648
– Spain – 3,121,687
– Italy – 2,765,412
– Turkey – 2,616,600
– Germany – 2,372,209
– Colombia – 2,212,525
– Argentina – 2,046,795
– Mexico – 2,022,662
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,452,623 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 85,791,345 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.