Lalo pang lumakas ang Bagyong Auring.
Base sa 11:00 am advisory ng Pagasa, taglay ng bagyo ang hangin na 95 kilometers per hour at pagbugso ng 115 kilometers per hour.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong southwestward.
Tinatayang nasa 545 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur ang bagyo.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Linggo ng umaga sa Caraga region at dadaan sa Visayas at Miraropa sa Lunes.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Davao Oriental, eastern portion ng Davao de Oro (Pantukan, Maragusan, New Bataan, Compostela, Monkayo), eastern portion ng Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Prosperidad, Talacogon, San Francisco, Rosario, Bunawan, Santa Josefa, Trento), at Surigao del Sur.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga lugar na tatamaan ng bagyo na mag-ingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.