Mga pekeng infant formula kumpiskado sa China

By Den Macaranas April 05, 2016 - 04:36 PM

Similac fake
AFP photo

Naglabas ng babala ang Shanghai Municipal Food and Drug Administration kaugnay sa pagkalat sa China ng pekeng infant formula na may tatak na “Similac”.

Nauna nang inireklamo ng kumpanyang Abbott International ang ginagawang pamemeke sa kanilang produktong Similac sa China.

Sa isinagawang raid ng mga otoridad ay nakakumpiska sila sa mga bodega at tindahan ng halos ay 17,000 lata ng naturang infant formula.

Noong 2008 ay isang kahalintulad na isidente rin ang gumimbal sa buong China makaraang mamatay ang ilang libong mga sanggol nang maka-inom sila ng pinekeng gatas.

Sa kasalukuyan ay minomonitor na rin ng Shanghai government ang mga websites dahil naibenta rin sa pamamagitan ng online transactions ang nasabing mga pekeng gatas.

TAGS: abbott, China, fake, shanghai, similac, abbott, China, fake, shanghai, similac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.