Panukalang ilagay sa MGCQ ang buong bansa sa Marso, pinaboran ng IATF

Sinang-ayunan ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon na isailalim sa modified general community quarantine ang buong bansa sa Marso.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dedesisyunan pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Pebrero 22.

“Sabihin na lang natin na nagkasundo na iyong IATF na  nag-rekomenda sa ating Presidente na magakroon na ng MGCQ sa buong Pilipinas at ang mga alkalde sa Metro Manila. Inaasahan naman natin dahil meron ng ganitong kasunduan sa panig ng IATF at ng mga Metro Manila mayors eh baka naman po sumangayon ang ating presidente. Magkakaroon po ng desisyon ang ating Presidente itong Lunes,” pahayag ni Roque.

Pero ayon sa kalihim, maari na rin niyang ianunsyo ang bagong quarantine classification bago pa man matapos ang buwan ng Pebrero.

Una nang inanunsyo ng Metro Manila mayors na pabor ang kanilang hanay na iipatupad ang MGCQ sa buwan ng Marso.

Ipinanukala na rin National Economic and Development Authority (NEDA)  na ipatupad ang MGCQ sa buwan ng Marso.

Read more...