Pinapayagan na ng pamahalaan na makapasok sa bansa ang mga foreigners o dayuhan na mayroong valid long-term visas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang napag-desisyunan ng Inter Agency Task Force matapos ang pagpupulong kagabi.
Gayunman, sinabi ni Roque na bawal pa ring makapasok sa bansa ang mga turista
“Sa aking pagkakaalam, hindi pa rin po pinapayagan ang mga turista, bagamat case to case basis pwede silang kumuha ng exemption. Pero sa ngayon ang pinapayagan lang lahat ng mga visas ng mga namumuhunan, ng mga nagtatrabaho, mga kamag-anak ng mga Filipino, ýong may mga asawa na mga Filipino at may mga anak, halos lahat ng dayuhan except ang mga turista,” pahayag ni Roque.
Sa panuntunan ng IATF, kinakailangan na sumunod sa 14 araw na quarantine period ang mga dayuhan na papasok sa bansa at kinakailangan na sumailalim sa swab test.