NAIA GM nanindigan na walang may gusto ng naganap na power outage

By Den Macaranas April 05, 2016 - 04:27 PM

NAIA blackout
Kuha ni Chona Yu

Humingi nang paumanhin sa publiko si Ninoy Aquino International Airport (NAIA) general manager Jose Angel Hondrado makaraang dumanas ng power outage ang NAIA terminal 3 mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling-araw.

Kasama ang mga opisyal ng NAIA at Meralco, ipinaliwanag ni Hondrado na hindi gumana ang isa sa sampung generator sets ng paliparan kaya bumagsak ang buong sistema ng power supply.

Bagama’y ilang segundo lamang na nagkaroon ng tripped sa power supply ng Meralco ay hindi kaagad nakabalik sa grid ang power supply ng NAIA terminal 3.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na noong January huling suma-ilalim sa inspection ang kanilang mga generator sets at maayos naman daw na gumagana ang mga ito.

Kaugnay naman sa maraming delayed at cancelled flights dahil sa power outage, ibinato ni Honrado sa mga airline companies ang pagpapaliwanag kung paano mabibigyan-katwiran ito sa mga pasahero.

Sinabi rin niya na iniimbestigahan na ang mga reports ukol sa umano’y mga nakawang naganap habang walang suplay ng kuryente sa paliparan.

Aminado rin ang opisyal na walang papanagutin sa nasabing pangyayari kasabay ang katwiran na wala naman daw may gustong mawalan ng kuryente noong mga panahong iyun.

Kahapon ay ipinatawag sa Malacañang si Hondrado na kaanak ni Pangulong Noynoy Aquino kasama si Department of Transportation and Communications Sec. Jun Abaya.

At tulad ng inaasahan, pinagsabihan lamang sila ng Pangulo na hindi na dapat maulit ang power outage at wala ring pinarusahan sa mga NAIA officials kaugnay sa nasabing pangyayari.

TAGS: Hondrado, Meralco, naia terminal 3, power outage, Hondrado, Meralco, naia terminal 3, power outage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.