Mga empleyado ng Senado, nagpamisa para sa seguridad ng kanilang trabaho
Nanawagan ang Samahan at Ugnayan ng mga Casual at Contractual na mga Empleyadong Nag-Seserbisyo sa Senado (SUCCESS) at Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO) sa pamunuan ng Senado na kausapin sila hinggil sa pagpapalawig ng kanilang Collective Negotiations Agreement (CAN).
Higit 100 kawani ng Senado ang nakiisa sa isinelebrang Banal na Misa sa gate ng Senate compound at ito ay tinawag nilang, “Panalangin at Pagkilos para sa kaseguraduhan sa trabaho, kalusugan at benepisyo.”
Sinabi ni Rose Eugenio, pangulo ng grupong SENADO, nagtapos ang kanilang CNA noong nakaraang Disyembre at pinalawig na lang hanggang sa darating na Hunyo.
Inilatag nila ang itinutulak nilang CNA sa pamunuan ng Senado noong Nobyembre at humingi ang mga ito ng panahon para suriin ang mga probisyon.
Ipinanawagan din nila ang regularisasyon ng lahat ng contractual, casual job order at contract of service workers sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at ang kanilang position paper ukol dito ay naisumite na nila sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation.
Samantala, nagpadala naman ng kanyang mensahe si Sen. Leila de Lima sa mga empleyado ng Senado at aniya, nakikiisa siya sa lahat ng mga ipinaglalaban ng mga ito.
Ayon naman kay Eugenio, nararapat lang na palayain na si de Lime dahil hindi makatarungan ang patuloy na pagkulong sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.