Tatlong snatcher, timbog sa Maynila

Naaresto ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang tatlong snatcher sa Malate, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Jaen Nestor, 29-anyos; Ronnie Sumarong, 30-anyos; at Winnemar Rockwell, 45-anyos.

Ayon sa Manila Public Information Office, naaresto ng MTPB enforcers na sina Eduardo Cortiguerra, Angelito Tongol, at Joselito Galicio ang mga suspek sa bahagi ng Roxas Boulevard dakong 11:20 ng umaga noong February 5, 2021.

Batay sa pahayag ng mga nagreklamo na sina Mabini Katalbas, 47-anyos na security guard; at Jano Soriano, 27-anyos na construction worker, nangyari ang insidente ng pagnanakaw sa JDP Construction and Trading Inc.

Nakita ni Katalbas ang pagkuha ng mga suspek ng scrap materials sa construction site.

Agad tumakas ang mga suspek sa pinangyarihan ng krimen dala ang ninakaw na scrap materials ngunit nahuli ito ng MTPB enforcers at mga nagreklamo.

Narekober mula sa mga suspek ang scrap metal ng constructional materials na nagkakahalaga ng P1,400.

Ang ninakaw na gamit ay dinala na sa kustodiya ng construction company.

Read more...