Pagpapaiksi sa summer break ng mga estudyante, pinag-aaralan ng DepEd
Pinag-aaralan na ng Department of Education na (DepEd) iksihan ang summer break ng mga estudyante.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na maaaring palawigin pa ng DepEd ang school year sa taong 2021.
Paliwanag ni Briones, inabot kasi ng anim na buwan ang bakasyon ng mga estudyante dahil sa pagpapaliban ng pagbubukas ng klase bunsod ng COVID-19.
Matatandaang sa halip na Agosto, nagbukas ang klase noong Oktubre lamang.
Marami aniyang leksyon o aralin na dapat na habulin ang mga estudyante dahil sa napahaba ang bakasyon.
Pero ayon kay Briones, ito ay masusi pang pinag-aaralan ng DepEd kung iiksihan ang bakasyon ng mga estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.