Bulkang Taal, nakapagtala ng 91 tremor episodes
Nakapagtala ng 91 tremor episodes na tumagal nang lima hanggang 12 minuto batay sa monitoring sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa Taal volcano bulletin ng Phivolcs bandang 8:00, Huwebes ng umaga, patuloy din ang paglalabas ng bulkan ng white steam-laden plumes na may taas na limang metro.
Sa ngayon, nasa Alert Level 1 pa rin ang Bulkang Taal.
Ngunit babala ng Phivolcs, posible pa ring makaranas ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at expulsion ng volcanic gas sa bisinidad ng Taal Volcano Island.
Dahil dito, inirekomenda ng Phivolcs na panatilihin ang pagbabawal sa TVI, Permanent Danger Zone, lalo na sa bisinidad ng Main Crater at Daang Kastila fissure.
Pinaalalahanan ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na mag-assess sa mga barangay kung saan inilikas ang ilang residente kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.