Bagong 59 COVID-19 cases, nadagdag sa Maynila
Karagdagang 59 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (February 18), sumampa na sa 27,359 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 385 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 72 active cases.
Sumunod dito ang Tondo 1 na may 53 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 52 residente rin ang bagong gumaling at tatlo ang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 26,176 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 798 pa rin ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.