Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 2.44 milyon na

By Angellic Jordan February 18, 2021 - 01:34 PM

Pumalo na sa 2.44 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,441,044 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 502,544.

Sumunod na rito ang Brazil na may 242,178 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 177,061 naman ang death toll sa Mexico habang 156,038 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 118,933
– Italy – 94,540
– France – 83,122
– Russia – 81,446
– Germany – 67,074
– Spain – 66,316
– Iran – 59,184
– Colombia – 58,134
– Argentina – 50,616

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 110,435,754 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 85,329,135 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, PNP COVID-19 recoveries, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, PNP COVID-19 recoveries, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.