2nd District Engineering Office ng DPWH La Union, sarado sa Feb. 19
Sarado ang Second District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) La Union sa bahagi ng Natividad, Naguilian sa araw ng Biyernes, February 19.
Sinabi ng kagawaran na ito ay para sa isasagawang disinfection at ipatutupad na iba pang preventive measures laban sa COVID-19.
Layon nitong mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga empleyado at kliyente.
Kasunod nito, ipatutupad ang work-from-home arrangement sa mga empleyado sa naturang petsa.
Magbabalik naman sa normal na operasyon ang tanggapan sa Lunes, February 22.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.